26 preso sa NBP ikinasal
February 15, 2002 | 12:00am
Bilang paggunita ng Araw ng mga Puso, 26 preso, kabilang ang dalawang death convict ang nakipag-isang-dibdib sa isang mass wedding na isinagawa kahapon sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa 26 preso na ikinasal, ang dalawa rito ay nakilalang sina Armando Caballero at Eduardo de Jesus, kapwa nahatulan ng kamatayan.
Si Caballero ay ikinasal kay Lorena Custodio, samantalang si de Jesus ay nakipag-isang-dibdib naman kay Jennifer Obina.
Nabatid na naging ninong sa kasalan si Department of Justice Secretary Hernando Perez.
Ayon kay NBP director Ricardo Macala, ito ay handog ng pamahalaan sa mga preso tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso upang mabigyan ng higit na kasiyahan ang mga inmates kahit na sila ay nakakulong ay may mga asawang nagmamahal sa kanila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended