^

Metro

SB, pag-iibayuhin ang pagsugpo sa sakit na TB ng mga guro

-
Lalo pang pag-iibayuhin ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang ekstensibong health system sa mga pagamutan upang tuluyang maibaba ang malaking bilang ng mga gurong nagkakasakit ng tuberculosis sa buong Metro Manila.

Ito ang inihayag kahapon ni Quezon City Mayor Sonny ‘SB’ Belmonte Jr. sa paglulunsad ng Department of Education (DepEd) sa School Health and Nutrition Program sa Quirino Elementary School.

Base sa statistics na inilabas ng DepEd, nangunguna ang Quezon City sa pagkakaroon ng 143 gurong may tuberculosis na 43% ng kaso sa buong Metro Manila na may kabuuang 330 kaso ng pagkakasakit. Sinusundan ito ng Maynila (54) at Pasig (44).

Ikinatwiran ni Belmonte na may pinakamaraming paaralan din umano sa Metro Manila ang Quezon City kaya natural na ito ang manguna sa bilang ng mga kaso ng pagkakasakit.

Sa kabila nito, sinabi ni Belmonte na patuloy na magbibigay ng assistance ang pamahalaang lungsod sa mga guro upang maibaba ang bilang ng kaso sa mga pampublikong pagamutan nito.

Pinapurihan din ni Belmonte ang pagkakaroon ng School Health Program ng DepEd kung saan magbibigay ng health service ang lahat ng lokal na pamahalaan at ang Department of Health sa mga paaralan. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BELMONTE

BELMONTE JR.

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

METRO MANILA

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR SONNY

QUIRINO ELEMENTARY SCHOOL

SCHOOL HEALTH AND NUTRITION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with