Pekeng MMDA sabit sa extortion
February 15, 2002 | 12:00am
Kinasuhan sa Quezon City Prosecutors Office ng kasong robbery-extortion ang isang pekeng tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos itong maaresto ng awtoridad noong Martes sa Quezon City.
Ang suspect na si Allan Miravate, 28, ng Abselon Drive Ext.,Alpha Village, Brgy. Old Balara, QC ay sinampahan ng kasong extortion batay na rin sa reklamo ni Magno Capule.
Batay sa rekord,hinuli ni Miravate si Capule dahil sa umanoy paglabag nito sa traffic code violation at hiningian ito ng P 500.
Hindi kaya ni Capule ang nasabing halaga kaya sila ay nagkasundo sa P100.
Nabawi sa suspect ang Traffic Citation Receipt MMDA Traffic Deputy ID at motorsiklo na may plakang PC 3257.
Bukod sa robbery-extortion, sinampahan din ng kasong paglabag sa Art. 177 o Usurpation of Authority at Public Function at paglabag sa Art.178 o paggamit ng ibang pangalan si Miravate. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended