^

Metro

Life sa rapist na obrero

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Malabon Regional Trial Court (RTC) laban sa isang 30-anyos na construction worker na napatunayang nanggahasa sa anak ng kasamahan nito, apat na taon na ang nakakaraan sa Navotas.

Inatasan din ni Judge Benjamin Antonio ng RTC Branch 170 ang akusadong si Jose Oga, dating stay-in worker sa construction site ng Gengas, LPG, sa may Northbay Blvd. na magbayad ng P100,000 bilang moral at civil damages sa biktimang si Amy, 14.

Base sa rekord ng korte, ginahasa ng akusado ang biktima noong gabi ng Agosto 9, 1998 sa loob ng barracks kung saan stay-in construction worker din ang ama ni Amy.

Natuklasan lamang umano ang nasabing insidente dakong alas-2 ng madaling-araw nang magtungo ang ama ng biktima na si Ignacio at ina nito sa barracks ng akusado at naaktuhan ang suspect na nasa ibabaw ng hubad na katawan ng anak.

Pinabulaanan naman ng akusado ang umano’y akusasyon sa kanya at sa halip ay sinabing nagkataon lamang na nahuli sila ni Ignacio na magkasiping dahil sa magkasintahan sila ng biktima.

Ibinasura ni Judge Antonio ang alibi ng akusado at sa halip ay sa testimonya ng biktima ito naniwala. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AGOSTO

GEMMA AMARGO

GENGAS

HABAMBUHAY

IGNACIO

JOSE OGA

JUDGE ANTONIO

JUDGE BENJAMIN ANTONIO

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

NORTHBAY BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with