Forklift operator todas sa toneladang tela
February 15, 2002 | 12:00am
Napitpit ang katawan ng isang forklift operator matapos na mabagsakan at matabunan ng tone-toneladang rolyo ng tela sa loob ng isang bodega, kahapon sa Pasig City.
Patay na nang matagpuan ng mga kasamahan sa trabaho ang biktimang si Arturo Roy, 27, empleyado ng Litton Mills Inc., ng #18-F ROTC, Brgy. Rosario, Pasig City.
Sa ulat ni PO3 Ernesto Paraso, nakita ni Federico Bombay, supervisor ng naturang bodega sa may Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario, Pasig, dakong alas-2 ng hapon ang nagbagsakang malalaking rolyo ng tela.
Sa ilalim nito, nakita umano niya ang paa ng isang tao kaya agad niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na isa-isang tanggalin ang mga tela.
Dito tumambad sa kanila ang katawan ni Roy na isa nang patay dahil sa pagkaipit sa mga rolyo ng tela.
Ayon kay Paraso, inililipat umano ni Roy ang ilang rolyo ng tela sa isang steel rack nang masagi ng minamaniobra niyang forklift ang isa pang steel rack na puno ng tatlong toneladang tela na siyang bumagsak sa kanya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended