^

Metro

Pulis-QC ginulpi ng 10 INC

-
Bugbog-sarado ang inabot ng isang pulis-Quezon City mula sa sampu katao na umano ay miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa tapat ng kanilang simbahan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Si SPO1 Ramon Austria, 49, miyembro ng Central Police District (CPD) Investigation and Intelligence Division at Anti-Carnapping unit ay halos kulay talong sa mga tinamong pasa sa katawan nang magtungo sa himpilan ng pulisya upang i-report ang pangyayari.

Sa salaysay ni Austria, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng simbahan ng INC na matatagpuan sa Guadenville, Quirino highway, Caloocan City habang sakay ng kanyang pulang Laser Ford, may plate no. PPV-675.

Dahil sa umano’y trapik sa nasabing lugar kung kaya’t dahan-dahan lamang ang pagtakbo nito nang bigla na lamang siyang harangin ng security guard ng simbahan ng INC at bigla na lamang sinuntok ang kanyang sasakyan nang walang dahilan.

Kaagad umanong bumaba ang biktima matapos marinig ang malakas na kalabog sa sasakyan subalit laking gulat nito nang biglang mag-warning shot ang isa pang lalaki, tinutukan siya ng baril sabay hila sa kanyang police ID.

Dumating pa ang walong lalaki at kinaladkad umano siya sa loob ng simbahan habang patuloy naman siyang binubugbog ng mga ito. Samantala, nakuha pa nitong makatakbo papalayo at humingi ng tulong sa kanyang mga kabaro na noon ay nagpapatrulya sa nasabing lugar at sila ring nagdala sa kanya sa ospital.

Napag-alaman naman na nawawala ang kalibre .45 service firearm ni Austria at Nokia 8850 na nagkakahalaga ng P24,000 matapos ang nasabing kaguluhan.

Sinabi naman ni Supt. Dionisio Borromeo, hepe ng Station Investigation and Intelligende Division (SIID) na patuloy na silang nagsasagawa ng follow-up operation laban sa mga suspect na maaaring madakip anumang oras dahil na rin sa pahayag ni Austria na makikilala niya ang mga ito sa sandaling makita niya. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING

CALOOCAN CITY

CENTRAL POLICE DISTRICT

DIONISIO BORROMEO

GEMMA AMARGO

INVESTIGATION AND INTELLIGENCE DIVISION

LASER FORD

QUEZON CITY

RAMON AUSTRIA

STATION INVESTIGATION AND INTELLIGENDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with