^

Metro

Seaman tinodas ng karibal

-
Matapos na mapasagot ang nililigawan,isang 28-anyos na seaman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng karibal sa pag-ibig habang dumadalaw ito sa bahay ng una, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan at mukha ang biktimang si Crisostomo Basalangui ng #46 Torres St. ng nasabing bayan.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Cenon de Leon ng Merville Subd. na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa Merville Subd. habang patungo ang biktima sa bahay ng girlfriend nitong si Rose.

Pababa na umano sa tricycle na sinasakyan ang biktima sa tapat ng bahay ng kanyang nobya nang bigla na lamang itong lapitan ng suspect at saka pagbabarilin ito.

Ayon kay PO1 Reynaldo Gabatin, ang suspect umano ang siyang pinakamahigpit na karibal ng biktima nang nanliligaw pa lamang ito sa kanyang nobya kung kaya’t maaari umanong nagtanim ng galit ang una sa huli.

Posible umanong hindi matanggap ng suspect na basted siya ng nililigawan at hindi matanggap ang kanyang pagkatalo kung kaya’t naghiganti ito sa karibal. (Ulat ni Gemma Amargo)

AYON

CENON

CRISOSTOMO BASALANGUI

GEMMA AMARGO

LUMALABAS

MALABON CITY

MERVILLE SUBD

PAGAMUTANG BAYAN

REYNALDO GABATIN

TORRES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with