Barangay Chairman, 6 tanod inireklamo nang panggulpi
February 14, 2002 | 12:00am
Isang barangay captain at anim na tanod nito ang ipinagharap ng reklamo makaraang gulpihin, balutin ng plastic ang ulo at kaladkarin ng mga ito ang dalawang kalalakihan na inaresto nila sa kasong droga kahapon sa Makati City.
Nahaharap sa kasong illegal arrest, illegal detention at planting evidence ang mga suspect na nakilalang sina Pablito Guce, barangay captain ng Brgy. Poblacion at ang mga bantay-bayan nito na sina Marvin Cruz, Emmanuel Jacinto, Amelito Tolentino, Jose Guadamor, Rolando Navarro at Amado Silverio.
Samantala, ang nagharap ng reklamo ay nakilalang sina Hermias Baltazar, 23, binata, ng #5622 Don Pedro St. at Leonardo Santos, 53, ng #5566 Ilaya St. ng nabanggit na barangay.
Ayon sa reklamo nina Baltazar at Santos kay PO3 Allan Esquillo ng General Assignment Section (GAS), Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw at alas-11 ng tanghali sa Brgy. Poblacion.
Nagkaroon ng anti-drug operation ang nabanggit na mga suspect matapos na makatanggap ng impormasyon ang nasabing tanggapan na sina Santos at Baltazar ay sangkot umano sa iligal na droga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended