2 namemeke ng pekeng driver's license nadakip
February 14, 2002 | 12:00am
Dalawang miyembro ng malaking sindikato ng palsipikadong drivers license na siyang gamit ng mga motorista na nahuhuli ang naaresto kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Nakilala ang mga suspect na sina Aileen Bautista, 34, may-asawa, ng #133 Int. St. Francis St., Oranbo, Pasig at Eduardo Martinez, 67, ng #4 P. Burgos St., Taguig, MM. Nakatakas naman ang asawa ni Aileen na si Dante Bautista na siya umanong lider ng kanilang operasyon.
Sinabi ni Eastern Police District director Sr. Supt. Rolando Sacramento na isang buwang nagsagawa ng surveillance operation ang kanyang mga tauhan. Isang SPO4 Celso Cruz ang nag-apply para makakuha ng pekeng lisensya kay Martinez kaya nakumpirma ang naturang iligal na operasyon.
Agad na nagsagawa ng raid dakong ala-una ng hapon ang mga elemento ng District Police Intelligence and Operations Group sa pamumuno ni C/Insp. George Dadulo sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Danilo Pine ng Pasig RTC Branch 263.
Nakumpiska sa mga suspect ang 40 pirasong license form, 38 rehistro ng sasakyan, mga resibo, 3 drivers license at iba pang mga form ng LTO na pawang mga peke.
Ayon kay Sacramento, ini-scan lamang sa computer ang mga larawan ng mga aplikante at ang pirma ng mga opisyales ng LTO tulad ni Asst. Sec. Roberto Lastimoso at saka ipinapatong lamang sa mga pekeng lisensya na mas manipis kaysa sa orihinal.
Nagkakahalaga ang isang pekeng lisensya ng P150 bawat isa habang P30 naman ang resibo ng lisensya ng LTO na siyang ipinapakita ng mga driver na nahuhuli.
Sinabi ni Sacramento na konektado ang grupo sa isang malaking sindikato na nag-ooperate sa buong Metro Manila sa pagbebenta ng mga pekeng lisensya maging mga international license na ginagamit ng mga Pinoy upang makapagmaneho sa ibang bansa at namemeke rin ng mga plaka at sticker ng sasakyan (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended