^

Metro

Monumento ni Bonifacio ililipat ng puwesto

-
Planong ilipat ni Caloocan Mayor Rey Malonzo sa ibang lugar ang monumento ni Gat Andres Bonifacio para sa konstruksyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ayon kay Malonzo ang paglipat sa bagong puwesto ni Bonifacio ay isang paraan para di masira ito sa konstruksyon ng MRT at LRT sa Abril.

Idinagdag pa ni Malonzo na imposibleng hindi magalaw o madaanan ang bantayog ni Bonifacio dahil nakita nito ang plano ng MRT/LRT at maraming gusali ang masasagasaan.

Sa Tala, lugar kung saan naroon ang Leprosarium, isang preventive community ng mga may ketong ililipat ang monumento.

Ito ay upang makilala ng mga residente sa bahaging norte ng lungsod kung saan nababalewala ang nasabing lugar.

Sinabi pa ni Malonzo na humiling na gawin na underground subways na lamang ito upang hindi magalaw ang bantayog subalit mababa ang lugar ng Caloocan tulad ng Navotas at Malabon, bukod pa sa masyadong mahal ang gagastusin ng pamahalaan.

Bukod dito, magkakaroon din ng kaluwagan sa daloy ng trapiko sa nasabing lugar kapag nailipat ang bantayog sa Abril ay kailangan muna itong dumaan sa public bidding na nakatakdang i-anunsyo sa susunod na buwan. (Ulat ni Gemma Amargo)

ABRIL

AYON

BONIFACIO

CALOOCAN MAYOR REY MALONZO

GAT ANDRES BONIFACIO

GEMMA AMARGO

LIGHT RAIL TRANSIT

MALONZO

METRO RAIL TRANSIT

SA TALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with