^

Metro

Suspect sa Mark Chua slay lumutang

-
Iniharap sa mga mamamahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco ang suspect sa pamamaslang kay Mark Chua ng UST ROTC cadet na si Arnulfo Aparri Jr., 20, kadete at estudyante rin ng UST.

Sumuko si Aparri dakong alas-6 ng gabi noong Peb. 9 matapos isaayos nina NBI Anti-Organized Crime Division chief Atty. Rogelio Mamaril at Phil. Army Major Emmanuel Sison ang kanyang pagsuko.

Napag-alamang tumawag sa tanggapan ni Mamaril si Sison upang ipagbigay-alam na nais sumuko ni Aparri upang malinis ang kanyang pangalan sa kontrobersyal na kasong pagdukot at pagpatay kay UST student Mark Wilson Chua, 19.

Si Aparri ay sinamahan ng kanyang abogadong si Atty. Abner Roxas nang magtungo sa NBI kung saan kasalukuyang nakapiit sa NBI jail.

Itinanggi naman ni Aparri na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Chua. Sinabi nitong malinis ang kanyang konsensya at walang kinalaman sa pagpatay kay Chua noong Marso 15, 2001 sa UST.

Si Chua na nagbulgar ng katiwalian kaugnay sa ROTC sa UST ay natagpuang patay at lumulutang sa Pasig river makalipas ang tatlong araw.

Maliban kay Aparri, itinuturo ring suspect sa pagdukot at pamamaslang sina Michael Von, Rainard Manangbao, Eduardo Tabrilla at Paul Joseph Tan. (Ulat ni Ellen Fernando)

ABNER ROXAS

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

APARRI

ARMY MAJOR EMMANUEL SISON

ARNULFO APARRI JR.

CHUA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EDUARDO TABRILLA

ELLEN FERNANDO

MARK CHUA

MARK WILSON CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with