^

Metro

Pulis-QC pumatay ng pusa, hinostage ang sarili

-
Aburido sa buhay, isang pulis ang nakulong makaraang pumatay ng pusa, i-hostage ang sarili ng pitong oras at maghasik ng takot sa Salam Mosque Compound, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Ang pulis na nagwala ay si PO2 Ingenmar Lao Tanaleon, 43, ng PNP-Regional Mobile Group-National Capital Region at detailed sa Task Force Kalinisan, Central Police District (CPD) Station 6 .

Pitong oras na nagkulong sa bahay ni SPO1 Armazel Omar sa 108 Cotabato St., Salam Mosque, Brgy. Culiat, Tandang Sora ang suspect at hinostage ang sarili dakong ala-1:35 ng madaling-araw hanggang 7:45 kahapon ng umaga.

Nagpunta sa bahay ni Omar ang kaibigang si Tanaleon para mangutang ngunit hindi ito napahiram dahil sa wala ring pera ng una.

Gayunman, dahil malapit na kaibigan ay umalis ng bahay si Omar para maghanap ng maipapahiram sa suspect.

Ilang metro pa lamang ang layo ni Omar sa kanyang bahay ay nagulat ito nang makarinig ng dalawang magkasunod na putok ng baril mula sa kanyang tirahan.

Sa halip na bumalik, dumiretso si Omar sa CPD Station 3 at humingi ng tulong dahil sa pangambang magkabanggaan silang magkaibigan.

Nang dumating ang mga respondeng pulis, inakala ni Tanaleon na may masamang mangyayari sa kanya at nagpasyang magkulong sa banyo at nagbantang magpapakamatay.

Nagpasyang lumabas at sumuko si Tanaleon nang dumating ang commanding officer nitong si P/Chief Insp. Arsenio Tanseco, hepe ng RMG-NCR. Nakita rin sa loob ng banyo ang patay na pusa na pinagdiskitahan ng suspect. (Ulat ni Jhay Mejias)

ARMAZEL OMAR

ARSENIO TANSECO

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF INSP

COTABATO ST.

INGENMAR LAO TANALEON

JHAY MEJIAS

OMAR

QUEZON CITY

TANALEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with