Binata pinagtulungang saksakin, tigok
February 11, 2002 | 12:00am
Isang 20-anyos na binata ang nasawi matapos pagtulungang saksakin ng tatlong lasing na kalalakihan kabilang ang isang engineer kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Dead on arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktima na nakilalang si Bon Historia, jobless, ng 171 Gabriel Compound, Barangay Pulang Lupa ng lungsod na ito sanhi ng saksak ng kitchen knife sa kaliwang dibdib.
Kaagad namang nadakip ang mga suspect na sina Doroteo Loveres, 27, binata, engineer, tubong Iloilo ng 4 Julius Compound, Barangay Pulang Lupa, Las Piñas City; Norberto Jurada, 30 at John Banquillo, 20, kapwa ng 39 Silangan Compound, Zapote 5, Bacoor, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Willie Dalawangbayan, ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:15 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Real St. at Naga Road.
Nabatid na lasing ang mga suspect at pinagtripan ang dumaraang biktima.
Ginulpi muna ng tatlo si Historia bago sinaksak.
Ilang residente ang nagtangkang sumagip sa buhay ng biktima at dinala ito sa nasabing ospital ngunit nalagutan din ito ng hininga. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest