Starex ni Malonzo binagsakan ng adobe ng lasenggero
February 11, 2002 | 12:00am
Bunsod ng dating alitan, di pinatawad ng isang lalaki na lango sa alak ang mamahaling Starex van ni Caloocan City Mayor Rey Malonzo nang bagsakan nito ng malaking tipak na bato ang sasakyan kahapon ng madaling-araw.
Sa impormasyon na nakalap kay Caloocan City Police Sub-station 1 Commander Supt. Bonifacio Noval, nagalit at nagwala ang suspect na kinilalang si Norberto Lora, 48, jobless ng 49 Zapote St., Bagong Barrio, Caloocan City.
Nakitang nakaparada at nakaharang sa harapan ng bahay ng suspect ang sasakyan ni Malonzo na minamaneho ng kaanak na matagal ng kaalitan.
Nagmura ang suspect at kumuha ng isang malaking bato at inihampas sa likurang bahagi ng Starex van.
Hindi nagawang maawat ng driver ni Malonzo na si Romeo Lora, 40 ang nagwawalang suspect kayat tumawag ito ng pulis at ipinaaresto ang suspect.
Napag-alaman na dati ng may namumuong alitan sa pagitan ng suspect at driver ni Malonzo at ang napagbuntunan ng galit nito ay ang sasakyan ng alkalde. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest