^

Metro

Nene nawala sa Taguig, bangkay nakita sa Laguna

-
Halos bumagsak ang mundo ng isang ama matapos nitong makita na isa nang malamig na bangkay ang kanyang 4-anyos na anak na babae na nawala ng dalawang araw sa labas ng kanilang bahay sa Taguig.

Ang biktima ay nakilalang si Realyn Villareal, ng Zone 19, Road 2, North Daang Hari, Brgy. Bagong Bayan ay natagpuang hubo’t hubad na may saksak sa ari at ulo sa isang inabandonang gusali sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa, Laguna.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Charlie Rillon ng Taguig PNP na nagtungo sa kanilang tanggapan noong Enero 28 ang ama ng biktima na si William upang ipa-blotter ang pagkawala ng biktima na naglalaro lamang sa labas ng kanilang bahay.

Kinabukasan ay kinuwentuhan si William ng kanyang kapatid ukol sa narinig nitong balita mula sa kanilang kapitbahay na may isang batang babae ang natagpuang nakahubo’t hubad sa inabandonang Pigris Bldg., PNR Site ng nasabing lugar.

Agad na kinutuban si William sa nakuhang balita mula sa kapatid kaya naman ay agad itong nagtungo sa himpilan ng pulisya ng nasabing lalawigan upang sa ganoon ay kanyang matiyak kung ito ay ang kanyang anak na dalawang araw nang nawawala.

Nang makarating si William sa nasabing lalawigan ay ganoon na lamang ang panlulumo nito ng makita na ang nasabing bangkay ay kanyang anak na si Realyn.

Ayon sa pagsisiyasat ng Sta.Rosa,PNP na ang biktima ay ginahasa muna bago ito ay sinaksak sa ari at ulo at doon itinapon.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang responsable sa brutal na pagpatay sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BAGONG BAYAN

BATAY

BRGY

CHARLIE RILLON

LORDETH BONILLA

NORTH DAANG HARI

PIGRIS BLDG

REALYN VILLAREAL

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with