^

Metro

Airport police sisibakin kapag nahuling gumagamit ng cellphone habang naka-duty

-
Sisibakin sa tungkulin ang sinumang airport police o miyembro ng Philippine National Police-Aviation Security Group ang mahuhuling gumagamit ng cellphone habang sila ay on-duty sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang inihayag ni Ret. General Mike Hinlo, Assistant general manager for Security sa NAIA, para maiwasan ang haka-haka na kasabwat ang ilan sa mga ito sa holdapang nangyayari sa mga turistang dumarating sa bansa partikular ang mga Japanese national.

‘‘Hindi namin inaalis ang mga posibilidad na may mga pointer ang sindikato sa airport kaya nalalaman nila kung sino ang sakay ng mga sasakyan galing NAIA,’’ ani Hinlo.

Gayunman, sinabi ni MIAA general manager Ed Manda handa ang kanyang tanggapan na magdagdag ng P50,000 para sa madaliang pagkahuli sa isang scalawag police na sinasabing utak sa holdapang nangyari sa airport.

‘May kabuuan P100,000 dahil ang P50,000 ay galing kay NCRPO Chief Edgar Aglipay,’ ani Manda.

Hindi lang isa o dalawang beses nangyari ang holdapan sa mga turistang banyaga na galing airport kaya naalarma ang pamunuan ng NAIA dahil sinisira ng mga ito ang turismo.

Una nang binawalan ang immigration sa paggamit ng mga cellphones habang on-duty sa kanilang mga counter sa arrival at departure area ng NAIA para alisin ang hinala na nakikipagsabwatan sila sa grupo ng human smuggling sa bansa. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BUTCH M

CHIEF EDGAR AGLIPAY

ED MANDA

GAYUNMAN

GENERAL MIKE HINLO

HINLO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-AVIATION SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with