4 holdaper tiklo matapos mangholdap
February 9, 2002 | 12:00am
Naaresto ng pulisya ang apat na holdaper matapos na holdapin ang isang saleslady habang lulan ng isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Positibong itinuro ng biktimang si Rafunsal Reyla, 27, at naninirahan sa Phase 5-V Paulino compound, Bagong Silang ang mga naarestong suspect na sina Romualdo Tejada, Rommel Caculangan, Edmund Altiveros at Michael Valenzuela na pawang residente ng Bagong Silang ng nasabing lungsod.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Main Road, Phase 2 ng naturang lungsod habang lulan ng isang pampasaherong jeep ang biktima at mga suspect.
Nabatid na pagsapit sa naturang lugar ay kaagad na nagpahayag ng holdap ang mga suspect sabay kuha ng mga alahas, salapi at iba pang mahahalagang gamit ng biktima saka mabilis na nagsibaba ng sinasakyang pampasaherong jeep.
Kaagad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima na nagsagawa ng follow-up operation sa nasabing lugar.
Mabilis namang naaresto ang mga suspect sa hindi kalayuan ng pinangyarihan ng insidente at narekober mula sa pag-iingat ng mga ito ang kalibre .38 na baril, mga pera at alahas na nakulimbat ng mga ito sa biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended