^

Metro

3 patay sa vehicular accident

-
Tatlo katao ang namatay habang 5 naman ang nasugatan makaraang mabangga ang kani-kanilang mga sasakyan sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan sina Roberto Balla, 42; Dennis Baliguat, 24, ng Heritage Hotel sa Quezon City at Reyaldo Salvador, 45, binata, barangay kagawad ng Teachers’ Village, East Diliman.

Sugatan naman sina Alexius Martin, 37, Phil. Navy, ng B15 L4, Meadow Phase 1, San Bartolome, Novaliches; Teodoro del Rosario, 55, driver ng ambulansya, ng San Mateo, Rizal; at mag-anak na sina Florencio, 45; Saturnina, 43; at Gerardo Ramirez, 24, ng Sta. Ana, Manila.

Sa inisyal na report ng Traffic Sector 1 at 4 ng Central Police District, unang naaksidente sina Balla at Baliguat dakong alas-10 ng gabi sa EDSA, Balintawak kung saan nakasakay sa motorsiklo ang mga ito papuntang Roosevelt Ave. ngunit pagsapit umano sa EDSA Thriftway ay biglang sumulpot ang rumaragasang kotse at nabangga ang motor na sinasakyan nina Balla at Baliguat.

Tumilapon ng malayo ang mga biktima sa kanilang sinasakyang at humampas ang ulo sa semento at sa halip na hintuan at tulungan ng di-kilalang driver ng kotse ay tinakasan pa ang mga biktima.

Nauna rito, ala-1:45 ng madaling-araw ay lulan si Salvador ng Mitsubishi Lancer at tumatahak sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr. Blvd. patungong Cubao nang bigla na lamang siyang sumalpok sa Isuzu cargo truck sa harapan ng PCSO na minamaneho ng isang nakilalang Jerry Matec, 25. (Ulat ni Jhay Mejias)

ALEXIUS MARTIN

BALIGUAT

BALLA

CENTRAL POLICE DISTRICT

DENNIS BALIGUAT

EAST DILIMAN

GERARDO RAMIREZ

HERITAGE HOTEL

JERRY MATEC

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with