Boserong sekyu nahulog sa ika- 5 palapag, kritikal
February 8, 2002 | 12:00am
Dahil sa pamboboso, isang 26-anyos na guwardiya ang nasa malubhang kalagayan matapos itong mahulog mula sa ikalimang palapag ng isang condominium sa Makati City kahapon ng madaling-araw.
Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang suspect na si Benjie Sarino, may-asawa, stay-in guwardiya ng Base Security Agency at nakatira sa #401 San Roque II, Bagong Pag-asa, Quezon City at ang kasamahan nitong si Michael Cabantac, binata, taga-Novaliches ay mabilis na tumakas.
Samantala, ang nagharap ng reklamo ay nakilalang si Richey Baluyot, 29, dalaga, negosyante, ng 8224 Munsan Mansion (Rm. #508) na matatagpuan sa panulukan ng Constancia at Obrero Sts., Brgy. Olympia, Makati City.
Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Evangeline Babor ng Women and Childrens Protection Unit, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:45 kahapon ng madaling-araw sa tinutuluyang condominium ni Baluyot.
Nabatid na binobosohan umano si Baluyot nina Sarino at Cabantac dahil sa nag-aagawan ng puwesto ang dalawa, biglang nahulog si Sarino mula sa ikalimang palapag.
Nagkabali-bali ang buto in Sarino dahil sa pagkahulog nito kayat kaagad itong isinugod sa nabanggit na pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended