Di nabigyan ng pansine binatilyo nagbigti
February 8, 2002 | 12:00am
Tinapos ng isang third year high school ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos tumanggi ang kanyang tiyuhin na bigyan ng hinihinging P120 na pampanood ng sine sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Patay na nang matagpuan ng kanyang kasambahay ang biktimang si Jimenez Lumbre, estudyante ng (EARIST) Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology, ng 393 Hippodromo St., Sta. Mesa, habang nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto, gamit ang isang puting nylon cord.
Sa salaysay ni Lorenzo Sibulo, tiyuhin ng biktima, nabatid na si Lumbre ay nakatira sa bahay ng una simula nang tumuntong ito sa high school habang ang mga magulang ay nasa Cainta, Rizal.
Nauna rito, humingi umano ng P120 sa kanyang tiyuhin upang ipampanood ng sine bilang bahagi ng kanyang project sa paaralan, na Romeo and Juliet subalit hindi ito nabigyan dahil sa kakapusan sa pera.
Dahil dito, naging kapuna-puna ang katamlayan ng biktima hanggang sa kahapon ay tumambad na lamang ang malamig na bangkay nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended