^

Metro

Red tide ban lifted na sa Las Piñas at Parañaque City

-
Wala nang red tide. Ito ang pormal na pagpapahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos na lumabas sa pag-aaral ng nabanggit na ahensiya na wala ng lason ng red tide sa Manila Bay lalo na sa Las Piñas at Parañaque na kamakailan ay kinakitaan ng lason ng red tide.

Nagsagawa ng serye ng water sampling o pag-aaral ang BFAR sa karagatan ng Manila Bay at dito lumabas na libre na sa red tide ang naturang baybayin kayat maaari nang makain ang lahat ng shellfish meat mula dito tulad ng talaba, halaan at tahong.

Gayunman, nananatili namang bawal kainin at ibenta ang lahat ng shellfish meat mula sa baybayin ng Masbate, Dumanguilas Bay, Davao Oriental at Zambales.

Ang mga lamang dagat na tulad ng isda, hipon, katang, pusit at iba pa na mula sa nabanggit na mga lugar ay kailangang linising mabuti at alisin ang bituka upang mapangalagaan ang kalusugan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CRUZ

DAVAO ORIENTAL

DUMANGUILAS BAY

GAYUNMAN

LAS PI

MANILA BAY

MASBATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with