^

Metro

Misis binanlian ng kumukulong mantika

-
Lapnos ang buong katawan ng isang ginang makaraang buhusan ng kumukulong mantika ng adik na live-in partner kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktimang kaagad na isinugod sa Ospital ng Caloocan sanhi ng tinamong 2nd degree burn ay kinilalang si Analiza Panaligan, 37 ng P. Sevilla St. 7th Ave. Grace Park ng nasabing lungsod.

Samantala, kasalukuyan namang nakapiit at nahaharap sa mga kasong grave threats, serious physical injuries ang suspect na si Domingo Magandi, 38, walang trabaho at residents din ng nasabing lugar.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi ng maganap ang insidente sa bahay ng mga ito.

Nabatid na bago maganap ang insidente kasalukuyang natutulog ang biktima ng dumating ang suspect na noon ay lango sa alak at droga at sapilitan nitong ginising ang una upang ipagluto ng makakain.

Dahil sa pagkainis ng gisingin ito ng suspect ay tumangging magluto ang biktima kayat ang una ang siyang nagluto..

Habang hinahanda ang gamit sa pagluluto ay patuloy pa rin sa pagtatalo ang dalawa hanggang bigla na lamang kinuha ng una ang kawali na noon ay nakasalang at may kumukulong mantika.

Walang sabi-sabi ay ibinuhos ng suspek sa kanyang live-in partner ang mantika dahilan upang magsisigaw ito sa labis na sakit at humingi ng tulong sa mga kapitbahay at inaresto ang suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANALIZA PANALIGAN

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DAHIL

DOMINGO MAGANDI

GEMMA AMARGO

GRACE PARK

HABANG

LAPNOS

SEVILLA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with