^

Metro

1 patay, 9 sugatan sa banggaan

-
Pisak ang mukha at patay na ng dalhin sa ospital ang isang konduktor samantalang 9 na pasahero ang nasugatan ng banggain ng isang bus ang isang nakaparadang bus na nag-overheat sa Makati City, kahapon.

Ang nasawi ay nakilalang si Allan Tenerife Guerrero, 26, ng 419 Catalino Cruz St., Cainta Rizal. Samantala, ang siyam na pasaherong nasugatan ay agad pinauwi ng mga doktor matapos itong gamutin sa Ospital ng Makati.

Si Rolly Abalos, 26, ng Novaliches, QC , drayber ng Golden Highway Bus Line at may plakang NVG-354 ay mabilis na sumuko sa pulisya matapos ang insidente .

Ayon sa ulat ni SPO1 William Binalla, officer on case, ng Makati City Traffic Group, nangyari ang banggaan dakong ala-una ng hapon sa North bound Edsa Avenue pababa ng Ayala flyover sa Makati.

Ang RRCG Busline na may plakang TVW-212 na minamaneho ni Joel Garcia,26, ng 319 J.P Rizal St., Novaliches, Quezon City, ay kasalukuyan nilalagyan ng tubig sa likuran radiator ni Guererro matapos itong utusan ng una dahil nag-overheat ang nasabing sasakyan.

Dahil dito, nabangga si Guererro na kinamatay nito . (Ulat ni Lordeth Bonilla )

vuukle comment

ALLAN TENERIFE GUERRERO

CAINTA RIZAL

CATALINO CRUZ ST.

EDSA AVENUE

GOLDEN HIGHWAY BUS LINE

GUERERRO

JOEL GARCIA

LORDETH BONILLA

MAKATI

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with