Actor/Police naglagak ng piyansa
February 4, 2002 | 12:00am
Naglagak ng piyansang P20,000 sa Quezon City Court si dating acto at PNP Inspector Jovit Moya para pansamantalang makalaya kaugnay sa kasong paglabag sa Social Security System (SSS) law may tatlong taon na ang nakakaraan.
Si Jose Vicente Corpuz Moya, pangalan nito sa tunay na buhay, ay pinansiyahan ng kanyang abogado matapos magpalabas ng warrant of arrest si QC RTC Judge Agustin Dizon ng Branch 80.
Si Jovit ay kinasuhan ng SSS sa korte ng nasabing lungsod dahil sa paglabag sa SSS law section 22 hinggil sa umanoy hindi pagre-remit ng una ng P2,977,047.60 SSS contribution ng mga tauhan niya habang siya ang pangulo ng CM Security and Services Inc., sa Makiling St., Mandaluyong City.
Unang ine-rekomenda ng SSS Mandaluyong branch sa SSS main office sa East Ave., QC, na kasuhan si Moya sa korte dahil sa patuloy ng pag-isnab nito na bayaran ang obligasyon sa SSS kahit na may ilang beses na nila itong inabisuhan na i-remit ang nasabing halaga.
Itinakda ni Judge Dizon ang pagbasa ng demanda laban kay Moya sa darating na Marso 13, 2002, sa ganap na alas 8:30 ng umaga.
Umaasa si Dizon na makakarating si Moya sa arraignment ng kaso nito sa kanyang sala sa nasabing petsa. (Ulat ni Angie dela Cruz )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest