Masiba sa pulutan tinarakan
February 3, 2002 | 12:00am
Isang obrero ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang patawirin matapos itong pagtulungang saksakin ng mag-ama dahil inubos ang pulutan habang nag-iinuman kamakalawa sa Makati City.
Kritikal sa Ospital ng Makati ang biktimang si Luis Pablo, 42, ng #2362 P. Burgos St., Makati City.,
Samantala, tumakas ang mag-amang suspect na sina Armando Tabuso Sr. at Armando Jr., kapwa ng PNR South, P. Medina St., Brgy. Pio del Pilar.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Lewelle Cristobal ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-3 kamakalawa ng gabi sa P. Medina St.
Nabatid na nag-iinuman umano ang mga suspect at biktima. Hindi sinasadyang ng biktima ang pulutan na ikinagalit ng mga suspect hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo.
Kumuha ang mag-ama ng patalim at inundayan sa likod ang biktima. Dinala sa nabanggit na pagamutan si Pablo ng ilang kasama nito sa inuman. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended