^

Metro

Dalagita nabuntis sa panghahalay ng utol

-
Isang high school student ang nabuntis matapos umano itong gahasain ng kapatid sa Las Piñas City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Alyana, 15, 1st year high school sa hindi nabanggit na paaralan at nakatira sa Saguig St., Brgy.CAA Cmpd., Las Piñas City.

Samantala, kaagad namang nadakip ang suspect na si Jojo Cutanda, 21, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa imbestigasyon, magkakasamang nakatira sa isang maliit na bahay ang magkapatid. Nabatid na noong Nob. 25 hanggang Dis. 1, 2001 isinagawa ng suspect ang panggagahasa sa biktima.

Hindi agad nakapagsumbong ang biktima dahil pinagbantaang papatayin.

Gayunman ay nagbunga ang ginawa ng suspect sa kanyang nakababatang kapatid.

Nang mapansin ng biktima na buntis siya ng dalawang buwan ay saka lamang nito ipinagtapat ang ginawang krimen ng kapatid sa mga awtoridad.

Ang biktima ay inirekomenda ng Las Piñas Police sa lokal na Department of Social Welfare na siyang mag-aaruga hanggang sa ito ay makapagsilang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALYANA

AYON

BRGY

CMPD

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

GAYUNMAN

JOJO CUTANDA

LAS PI

LORDETH BONILLA

SAGUIG ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with