16-anyos nabuntis ng ka-phone pal
February 2, 2002 | 12:00am
Isang 16-anyos na dalagita ang nabuntis dahil sa pagiging mahilig nito sa pakikipag-phone pal.
Ang biktima na itinago sa pangalang Karen ay dumulog kahapon sa Western Police District (WPD) para ipagharap ng kasong rape ang kanyang ka-phone pal na si Roberto Flores, 21, binata ng #1142 Soliman St., Tondo, Maynila.
Sa reklamo ng biktima, sinabi nito na isa lamang sa maraming ka-phone pal niya ang suspect na nagyaya sa kanya para magkita noong nakalipas na Setyembre.
Sa unang araw pa lamang umano ng pakikipagkita sa suspect ay kaagad siyang napakagat sa matamis na pananalita ng lalaki kaya sumama siya rito.
Sinabi ni Karen na dinala siya ng suspect sa kanilang tahanan at doon sapilitang inilugso ang kanyang puri. Pagkatapos ng panghahalay ay tinakot umano siya ni Flores na papatayin kapag ito ay nagsumbong kahit kanino.
Lumipas ang apat na buwan ay unti-unting lumobo ang tiyan ni Karen at nang magpasuri sa doktor ay doon natuklasan na nagdadalantao kaya napilitang magreklamo sa pulisya.
Agad namang dinakip ng mga awtoridad ang suspect bagamat inamin nitong ka-phone pal niya ang biktima ay pinabulaanan naman nito na kanyang ginahasa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended