^

Metro

'Bayaw' ni Daboy inaresto sa granada

-
Dinakip kahapon ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang bayaw ng sikat na aktor na si Rudy Fernandez matapos ‘umano’ itong magwala at tangkaing pasabugin ang hawak nitong granada makaraang iwanan ng asawa kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang naarestong si Erwin Quintana, 35, seaman, ng #64 E-K-6th St., Brgy. West Kamias, Quezon City at kasalukuyang nakakulong sa CPD Station 9.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Artemio Cadacio, dakong alas-4 ng madaling-araw nang madakip ang suspect habang hawak ang isang granada at nagwawala sa nasabing lungsod.

"Nakatanggap kami ng tawag sa telepono hinggil sa isang lalaking nagwawala at may granada kaya kami nagresponde. Pagdating namin ay naabutan pa naming ipinananakot ang hawak niyang granada kaya’t inunahan na namin ito bago pa matanggal ang pin at ihagis sa amin ang granada," pahayag ni PO2 Julius Javier, isa sa nagresponde.

Ayon naman sa biktimang si Jose Dionisio, 43, store owner, tinakot siya ng suspect at sinabihang pasasabugin ang naturang granada. Aniya, nakainom umano ang suspect at nagwawala sa hindi malamang kadahilanan.

"Nang makita ako ni Quintana habang papalabas ng aking tindahan ay lumapit siya sa akin at bigla na lamang akong hinamon ng away at dahil sa takot ko ay pumasok agad ako ng tindahan at tumawag sa pulis," ani Dionisio.

Nang maawat sa pagwawala ay dinala sa Station 9 at umamin na kaya siya nagwala ay dahil sa labis na sama ng loob matapos na iwanan ng asawang si Merle Fernandez, kapatid ni Rudy Fernandez. (Ulat ni Jhay Mejias)

ARTEMIO CADACIO

CENTRAL POLICE DISTRICT

ERWIN QUINTANA

JHAY MEJIAS

JOSE DIONISIO

JULIUS JAVIER

MERLE FERNANDEZ

NANG

QUEZON CITY

RUDY FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with