Diarrhea outbreak sa loob ng NCMH
January 31, 2002 | 12:00am
Isang malaking panganib ang nagbabanta sa buong National Center for Mental Health (NCMH) at paligid nito sa diarrhea dahil sa lumolobong bilang ng mga pasyente na mayroon nito.
Sa ulat na ipinadala ng NCMH sa Mandaluyong City Health Office, tinatayang 69 na pasyente na nila ang tinamaan ng diarrhea mula noon pang Enero 17.
Iniulat din nito na dalawa na sa mga pasyente ang namatay dahil sa walang tigil na pagsusuka at pagdumi. Hindi naman binanggit ng NCMH ang pagkakakilanlan ng mga nasawi dahil sa pagiging kompidensyal nito.
Nagpahayag naman ang mga residente ng Nueve de Febrero, Mandaluyong kung saan nakatirik ang NCMH sa posibleng pagkalat ng sakit na maaaring maging outbreak ng diarrhea.
Itinanggi naman ito ni City Health Office Dra. Teresita Lim matapos na mabatid nila na negatibo ang tubig sa naturang lugar sa diarrhea. Ipinaliwanag nito na maaaring nakuha ng mga pasyente ang sakit sa maruming uri ng pagkain nila hanggang sa magkahawahan na.
Inihiwalay na rin at inilagay sa quarantine ang mga pasyente ng Pavillion 5 upang hindi na kumalat pa ang sakit. Nagsuot na rin ng mga surgical gowns, masks at gloves ang mga doktor at empleyado ng pagamutan.
Kasalukuyan namang isinasailalim sa pagsusuri ng Department of Health (DOH) sa mga dumi ng mga namatay na pasyente kung saan may isang linggo pa bago mabatid kung cholera ang ikinamatay nila. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest