Tsinoy trader todas sa ambus
January 31, 2002 | 12:00am
Tatlong tama ng bala sa dibdib at dalawa sa paa ang kumitil sa buhay ng isang negosyanteng Tsinoy makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki nang tambangan ito sa Binondo, Maynila, kahapon ng hapon.
Nagawa pang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital ang biktimang si David Sy, nasa 40-45 anyos, may-ari ng Manila Downtown Shooting Range sa Juan Luna St., Binondo, subalit binawian din ito ng buhay matapos ang may isang oras na pakikipagbuno kay kamatayan.
Samantala, nasa malubhang kalagayan naman sa nabanggit ding ospital ang isa sa mga suspect na hinihinalang hired killer na nabaril ni Sy habang nakikipagbuno sa mga suspect.
Bigo namang mahuli ng pulisya ang dalawa pa sa mga suspect na mabilis na nakatakas matapos ang insidente.
Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, habang naglalakad si Sy sa San Fernando St., Binondo, nang tawagin siya ng mga suspect na nasa kanyang likuran.
"Narinig namin na tinawag siya ng isa sa suspect at nang lumingon si David ay bigla na lamang siyang binaril nito," sabi ng isang testigo sa pulis.
Ayon pa sa saksi, lalapitan pa sana si Sy ng dalawa pang suspect ngunit bilang ganti, nagawang bunutin at iputok ng dalawang beses ng biktima ang kanyang .45 kalibre at tinamaan ang isa sa mga suspect ng dalawang beses sa dibdib.
Palapit uli ang dalawang suspect sa duguang biktima ngunit nang makitang may paparating ng mga pulis ay sumakay kaagad ito sa naghihintay na sasakyan sa kabilang kalye. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended