^

Metro

Lalaking walang trabaho nagbigti, isang may trabaho nagbigti din

-
Dalawang lalaki na kapwa umano na ayaw ng mabuhay sa mundo sanhi ng mga kinakaharap nilang mga problema ay nagbigti sa magkahiwalay na lugar at oras sa Muntilupa at Las Piñas City.

Unang nagbigti gamit ang nylon cord si Primo Villanueva Jr., 38, at residente ng Brgy.Bayanan,Muntilupa City.

Natagpuan ang nakabiting katawan ni Villanueva dakong alas-3:30 ng hapon ng kanyang pamangkin na si John Paul,16.

Nabatid sa ilang kamag-anak na hindi umano makakita ng trabaho ang biktima na siyang naging dahilan para ito ay mawalan ng pag-asa sa buhay.

Kahapon ng alas-8:35 ng umaga ay natagpuang nakabitin sa kisame ang bangkay ni Aristeo de Luna,26,binata, stay-in messenger/caretaker ng Houston Well Screen Philippines Inc.,na matatagpuan sa BF Homes,Las Piñas City.

May hinala ang pulisya na ang pagkakamatay ni De Luna ay may kaugnayan sa lagi nitong pag-inda sa masakit nitong ulo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARISTEO

BAYANAN

BRGY

DE LUNA

HOUSTON WELL SCREEN PHILIPPINES INC

JOHN PAUL

LAS PI

LORDETH BONILLA

MUNTILUPA CITY

PRIMO VILLANUEVA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with