^

Metro

Life hatol sa driver na humalay sa katulong

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw na parusa ng Quezon City Regional Trial Court sa isang driver na gumahasa sa kasamahang katulong sa lunsod na ito.

Batay sa desisyon ni QCRTC Judge Monina Zenarosa,napatunayang nagkasala nang panggagahasa ang akusadong si Luisito Zara III sa kasamanahan nitong housemaid sa no.49 Panay Avenue noong nakalipas na taon.

Sa rekord ng korte naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga noong Hulyo 14 nang pasukin ni Zara ang servant quarter ng biktima na noon ay mahimbing na natutulog.

Agad na pinaghahalikan ni Zara sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima at kahit na ito ay nagmamakaawa hindi ito pinakinggan ng suspek hanggang sa makaraos ito sa makamundong pagnanasa.

Isinumbong ng biktima sa kanyang amo ang ginawa ni Zara na agad namang nagsumbong sa pulis.

Sa panig naman ni Zara,kanyang pinabulaanan ang mga bintang ng biktima dahil siya ay nasa kanilang bahay sa oras na naganap ang insidente.

Subalit ang testmonya ni Zara ay ibinasura ng korte dahil natagpuan ang kanyang puting brief na may bahid ng dugo sa likurang bahagi ng bahay mga Lim. (Ulat ni Doris Franche)

BATAY

DORIS FRANCHE

HABAMBUHAY

HULYO

ISINUMBONG

JUDGE MONINA ZENAROSA

LUISITO ZARA

PANAY AVENUE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ZARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with