^

Metro

Japanese swindler pinigil sa airport sa pekeng bilyong dolyar

-
Isang hinihinalang Japanese big-time swindler ang hinuli ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security group (PNP-ASG) at ng Bureau of Customs matapos nilang madiskubre ang iba’t ibang uri ng mga pekeng US treasury notes habang magtse-check-out sa NAIA Centennial 2, patungong Nagoya, Japan, kahapon.

Kinilala ni PNP-ASG director Marcelo Ele Jr. ang suspect na si Inoue Hirohito, na may dalang bilyun-bilyong halaga ng mga pekeng US treasury notes.

Nagduda ang mga awtoridad sa airport nang ayaw pabuksan ni Hirohito ang kanyang dalang attache case na bomba ang laman nito dahil kulay itim ang loob nito nang dumaan sa x-ray machine.

Dahil dito, nagpakuha ng K-9 sniffing dog si Ele para alamin kung may bomba ang nasabing bagahe.

"Inupuan ng aso at may indikasyon na positibo sa bomba ang bagahe ni Hirohito kaya napilitan kaming ilayo ito sa airport para sapilitang buksan pero iba ang tumambad sa anim, mga US federal notes," ani Ele.

Kakasuhan si Hirohito dahil sa pag-iingat ng fake bank notes. (Ulat ni Butch Quejada)

AVIATION SECURITY

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

DAHIL

HIROHITO

INOUE HIROHITO

INUPUAN

ISANG

KAKASUHAN

MARCELO ELE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with