^

Metro

Life sa killer ng newsman

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang parusang ipinataw ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa isang 36-anyos na lalaking pumatay sa dating news editor ng People’s Tonight na si Danny Hernandez, limang taon na ang nakararaan.

Si Jacinto Alvarez Jr., alyas Nonong, may asawa, ng 46 Elga St., Brgy. Tatalon, QC, ay napatunayang nagkasala ng pagpatay at panghoholdap kay Hernandez noong 1997.

Sa 12-pahinang desisyon ni QCRTC Judge Theresa Yadao ng Branch 81, inatasan nito si Alvarez na bayaran ang pamilya ni Hernandez ng P50,000 bilang bayad-pinsala.

Lumilitaw sa rekord ng korte na si Hernandez ay pinatay ni Alvarez at isang Salvador Dizon alyas Boy sa isang insidente ng panghoholdap sa loob ng taxi sa kahabaan ng Circumferential Road at Dagat-Dagatan, Caloocan noong Hunyo 3, 1997.

Ibinasura naman ng korte ang dahilan ni Alvarez na siya ay pinahirapan ng mga pulis upang akuin ang naturang krimen.

Matatandaang walang buhay na natagpuan si Hernandez sa loob ng taxi sanhi ng tama ng baril sa batok.

Si Dizon ay nauna nang namatay sa isang encounter nito sa mga awtoridad. (Ulat nina Doris Franche at Angie Dela Cruz)

ALVAREZ

ANGIE DELA CRUZ

CIRCUMFERENTIAL ROAD

DANNY HERNANDEZ

DORIS FRANCHE

ELGA ST.

HERNANDEZ

JUDGE THERESA YADAO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SALVADOR DIZON

SI DIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with