^

Metro

OFW na nanood ng bilyar, tinodas

-
Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang isang bagong dating na Overseas Filipi- no Worker (OFW) dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa tatlong kalalakihan na kumursunada dito habang ito ay nanonood ng bilyar kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay nakilalang si Edwin Flores, 33, ng 1st Avenue, Camp Crame.

Agad na naaresto ang isa sa tatlong suspek na si Manuel Mercado, habang ang kasamahan nitong sina Castro Lexmillionic at Ramon Muñoz ay pinaghahanap ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi ay napadaan umano ang biktima sa isang bilyaran na malapit lang sa kanyang bahay.

Sandaling nanood ang biktima ngunit lingid sa kaalaman nito na may balak na masama ang mga suspek.

Nilapitan ng mga suspek ang biktima at agad na inundayan ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Kahit na may tama ng mga saksak si Flores ay nagawa nitong matakasan ang mga suspek ngunit ilang metro pa lamang itong nakakalayo ay bumagsak na ito sa kalye. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

CAMP CRAME

CASTRO LEXMILLIONIC

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDWIN FLORES

JHAY MEJIAS

KAHIT

MANUEL MERCADO

OVERSEAS FILIPI

QUEZON CITY

RAMON MU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with