^

Metro

11 'adik' ng BFP, sinibak sa trabaho

-
Labing-isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sinibak sa kanilang tungkulin makaraang mapatunayang positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na droga o shabu.

Sinibak sa kani-kanilang mga tungkulin sina SFO2 Marcos Hernandez, SFO1 Juancho Puno, FO3s Marco Polo Serran, Gil Gregorio, Carlito Sombrero, Rolando Sanchez, Edwin Leano, Joel Olin, Alexander Aizon, FO1s Rodel dela Cruz at Agustin Quitoriano.

Ayon kay BFP Director, Chief Supt. Francisco Senot ang mga nadismis na bumbero ay napatunayang nagkasala ng grave misconduct batay sa naging resulta ng imbestigasyon ng Bureau Adjudication Board samantalang pinag-aaralan pa ang kaso ng tatlong iba pang bumbero na napatunayan ding positibo sa paggamit ng shabu.

Nilinaw ni Senot na bibigyan pa rin nila ng konsiderasyon ang kaso ng naturang mga bumbero kaugnay sa naging desisyon.

Idinagdag pa rin ni Senot na nasa Department of Interior and Local Government (DILG) pa rin ang huling desisyon sa kaso ng 11 bumbero at malaya pa rin na iapela nila ang kanilang kaso.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Metro Manila Fire Chief Sr. Supt. Romeo Villafuerte na umaasa siyang magsilbi aniyang babala sa iba pang bumbero at mga empleyado ng BFP ang kaso ng 11 mga nadismis.

Niliwanag ng BFP na patuloy nilang isinasagawa ang drug test taun-taon sa lahat ng mga fire officers at mga empleyado bilang tugon na rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga. (Ulat ni Jhay Mejias)

AGUSTIN QUITORIANO

ALEXANDER AIZON

BUREAU ADJUDICATION BOARD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CARLITO SOMBRERO

CHIEF SUPT

EDWIN LEANO

FRANCISCO SENOT

GIL GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with