^

Metro

Ina, asawa ginulpi sa pagsita sa sound trip ng isang adik

-
Isang umano’y pugante mula sa rehabilitation center ang nambugbog ng asawa’t ina makaraang sitahin ang pagti-trip nito sa mga hard-core rock music sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Dinakip ng pulisya ang suspect na si Vircelito Adviento, 37, ng 16 Reparo St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Samantala, kapwa nasa Manila Central University Hospital sina Leticia, maybahay nito at Virginia Adviento, ina ng suspect, matapos na magtamo ng mga bukol at pasa sa leeg at katawan.

Sa ulat ni PO2 Michael Viray, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng suspect sa naturang lugar.

Kasalukuyang nakikinig ng radyo ang suspect na umano’y bangag sa gamot sa kanilang bahay nang sitahin ito ng asawa na noon ay kasalukuyang nagwawalis.

Dahil dito, hindi umano nagustuhan ng suspect ang ginawa ng kanyang maybahay kung kaya nilapitan ito at pinagmumura na nauwi sa pagtatalo hanggang sa kumuha ang una ng bote at ipinalo sa ulo ng asawa at pinagbubugbog ito.

Nakita ni Aling Virginia ang ginawa ng anak kaya’t dinaluhan nito ang duguang si Leticia subalit maging ito ay hinataw din sa ulo ng bangkong kahoy at pinagbubugbog din.

Napag-alaman na ilang araw pa lamang nakakalabas mula sa rehabilitation center ang suspect kung kaya’t posible umanong hindi pa ito lubusang magaling at muling gumagamit ng droga. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALING VIRGINIA

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

GEMMA AMARGO

LETICIA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MICHAEL VIRAY

REPARO ST.

VIRCELITO ADVIENTO

VIRGINIA ADVIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with