17 anyos binalikan ng kalabang frat, dedo
January 26, 2002 | 12:00am
Isang 17-anyos na binatilyo ang ginantihan ng pananambang at pagratrat ng bala makaraang mapatay muna ng biktima ang isang miyembro ng kalabang fraternity, may dalawang taon na ang nakakaraan sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng tanghali.
Hindi umabot ng buhay sa UST Hospital ang biktimang si Michael Duque, miyembro ng True Brown Style, ng Malabon St., Sta. Cruz, bunga ng 14 na tama ng punglo sa ibat ibang bahagi ng katawan nito.
Pinaghahanap naman ng kagawad ng Western Police District ang mga suspect na nakilala lamang sa pangalang Jonathan alyas Sky at tatlo pa nitong kasamahan na umanoy pawang armado ng kalibre .9mm baril.
Sa imbestigasyon ni Det. Virgo Villareal ng WPD-Homicide Section, bandang alas-12:30 ng tanghali nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.
Nag-aabang ng sandaling iyon ang biktima sa kanyang ka-grupo nang mamataan ang isang berdeng Mazda at scooter na walang plaka. Agad na pinaulanan ng bala ng mga suspect ang biktima at mabilis na tumakas.
Nabatid na si Duque ang itinuturong bumaril at pumatay sa isang Mark Paul Reyes na kasamahan sa fraternity ng mga suspect noong Disyembre 2000 sa Rizal Ave., Sta. Cruz. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended