^

Metro

Janitor ng PLDT double dead sa sagasa ng 2 sasakyan

-
Dead-on-arrival nang dalhin sa isang pagamutan ang isang janitor ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) matapos itong dalawang ulit masagasaan ng dalawang sasakyan, kahapon ng umaga sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Antonio Jumaquilao, 34, may asawa, idineklarang wala ng buhay nang dalhin sa Makati Medical Center.

Samantala, kinilala ang nakasagasa rito na si Benedict Seballos, 40, isang manager sa hindi nabanggit na kompanya ng #105 Mahiyain St., Sikatuna Village, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Miguel Descalso ng Makati Traffic Enforcement group, naganap ang insidente dakong alas-6:40 ng umaga kahapon sa kahabaan ng Metropolitan Avenue, Brgy. Bel-Air, ng lungsod na ito.

Tumatawid ang biktima sa nasabing lugar nang bigla itong masagasaan ng isang kotseng Toyota, may plakang PSB-718, na hindi pa kilala ang driver at mabilis na tumakas.

Tumilapon ang biktima at paparating naman ang isang Honda CRV, may plakang WDV-261 na minamaneho ni Seballos, muling nasagasaan si Jumaquilao. Si Seballos lamang ang kusang-loob na sumuko at ang driver ng Toyota ay kasalukuyang hinahanap ng awtoridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTONIO JUMAQUILAO

BENEDICT SEBALLOS

LORDETH BONILLA

MAHIYAIN ST.

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MAKATI TRAFFIC ENFORCEMENT

METROPOLITAN AVENUE

MIGUEL DESCALSO

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with