^

Metro

Adik na pulis sinibak

-
Sinibak kahapon ni PNP-Nargroup Chief P/Director Efren Fernandez ang isa nitong tauhan matapos na mapatunayang positibo sa paggamit ng illegal na droga base sa resulta ng isinagawang surprise drug-test ng pambansang pulisya.

Kinilala ni Fernandez ang Nargroup personnel na si PO1 Francisco Carlos na nabulgar na gumagamit ng shabu.

Nang manungkulan si Fernandez sa puwesto bilang bagong hepe ng PNP-Nargroup ay ipinag-utos na nito ang mahigpit na pagpapatupad ng anti-drug law sa tulong na rin ng PNP Crime Laboratory at ng mga Regional Command.

Binigyang-diin ni Fernandez na ang pagsasagawa nila ng serye ng surprise drug test ay bilang patunay sa publiko na seryoso ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa illegal na droga.

Ayon pa kay Fernandez, ito’y upang patunayan din na hindi pugad ang PNP ng mga addict sa bawal na gamot tulad ng shabu, marijuana at iba pa.

Inihayag ni Fernandez na kung mahuhuli ng PNP-Nargroup ang mga pulis na gumagamit ng illegal na droga ay mapapataas nito ang moral at mapapanumbalik ang tiwala ng publiko sa kapulisan.

Samantala, napatunayan din na apat sa 400 personnel ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay positibo sa shabu bagaman ang mga pangalan ng mga ito ay hindi muna tinukoy ni Fernandez dahil kasalukuyan pang naka-pending ang pagdinig sa mga kaso ng mga ito.

Dahil dito, hiniling ni Fernandez kay NCRPO Chief P/Director Edgardo Aglipay na magsagawa ng summary proceedings laban sa apat na ito. (Ulat ni Joy Cantos)

CHIEF P

CRIME LABORATORY

DIRECTOR EDGARDO AGLIPAY

DIRECTOR EFREN FERNANDEZ

FERNANDEZ

FRANCISCO CARLOS

JOY CANTOS

NARGROUP

NARGROUP CHIEF P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with