Pulis na ikakasal nabaril ang sarili, todas
January 24, 2002 | 12:00am
Wala nang kasalang magaganap sa isang linggo para sa isang bagitong alagad ng batas at sa nobya nito dahil nasawi na ang una nang aksidenteng mabaril ang sarili sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala ng 9mm sa ulo si PO1 Reynaldo Evangelista, nakatalaga sa follow-up division ng Caloocan Police.
Sa imbestigasyon, dakong alas-9:05 ng gabi nang matagpuan ang duguang katawan ni Evangelista sa loob ng kanyang sasakyan na Toyota Revo, may plate no. WJL-310 na nasa tapat ng bahay nito sa #1173 A. Mabini corner Rigiding Alley, nasabing lungsod.
Napag-alaman na galing sa isang birthday party ang nasawi at dahil nakainom ay nagpahinga muna sa loob ng kanyang sasakyan at nagpakuha pa ng kape sa kanilang houseboy.
Ayon kay Supt. Dionicio Borromeo, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID) ay may narinig na putok ng baril ang houseboy na nagmula sa loob ng sasakyan ng biktima.
Duguan ang katawan ni Evangelista at mayroong isang tama ng bala ng baril sa kanang pisngi na tumagos sa ulo nang makita ng boy.
Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na galing sa sariling baril ni Evangelista ang natagpuang slug ng bala sa loob ng sasakyan nito at walang palatandaan na pinaslang ito kung kayat may hinala na aksidente nitong nabaril ang sarili.
Napag-alaman pa na nagkaroon ng tampuhan ang nasawi at ang nobya nitong si Michelle na nakatakdang ikasal ngayong katapusan ng buwan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest