Arabo arestado sa bag na may 'bomba'
January 24, 2002 | 12:00am
Inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang Arabo dahil sa kahina-hinalang kilos nito at sa dudang naglalaman ng bomba ang bag nito kahapon ng umaga sa Pasay City.
Ang suspect na kinilala ng pulisya na si Majeed Al Saud, may sapat na gulang at walang permanenteng tirahan.
Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa harap ng US Embassy Annex, Roxas Blvd.
Napansin ni Jimmy Castillo, guwardiya ng embahada na bumaba ng taxi na may plakang WYP-951 ang suspect. Nagduda si Castillo sa kahina-hinalang kilos ng Arabo kayat sinita nito ang sinakyang taxi subalit biglang pinaharurot ito ng driver.
Subalit napigilan ang papatakas na taxi na lulan ang dayuhan at inaresto.
Dahil sa insidenteng ito, rumesponde ang mga kagawad ng SWAT Bomb Squad ng Pasay City Police at kanilang dinakip ang suspect.
Subalit nang kumpiskahin ang dala nitong bag at siyasatin ang laman nito ay mga personal na gamit at hindi bomba. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest