Sa ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, C/Supt. Edgardo Aglipay ni Supt. Allan Parreño, dakong alas-10:30 ng umaga nang pasukin ng anim na kalalakihan ang banko na matatagpuan sa Timog Ave., Brgy. Laging Handa ng lungsod na ito habang ang dalawa pa ay nagsilbing look-out.
Napag-alamang hindi nadis-armahan ang mga security guards ng nasabing banko kung kayat isasailalim ang mga ito sa imbestigasyon sa posibilidad na may naganap na sabwatan.
Nang walang matangay na pera mula sa vault dahil hindi pa dumarating ang manager nito ay binalingan ng mga suspect ang mga personal na kagamitan at pera ng mga empleyado.
Tumagal ng tatlong minuto ang holdap at nang dumating ang mga responding team ng Central Police District ay mabilis na tumakas ang mga suspect sakay ng Toyota Hi-Ace na may plakang WKX-624. Sinabi ng nakasaksi na dinoktor ng mga suspect ang plaka ng kanilang get-away car.
Tinugis ng mga awtoridad ang get-away car ngunit natagpuan itong abandonado sa Sct. Delgado at lumipat sa pulang Isuzu Highlander ang mga ito. (Ulat ni Jhay Mejias)