^

Metro

Bonnet gang nabokya sa Banco de Oro holdap

-
Bokya sa unang pagkakataon ang may walong armadong ‘Bonnet gang’ members na nanloob sa Banco de Oro, Quezon City, kahapon ng umaga dahil sa pagiging late ng manager ng banko na siyang may hawak ng susi ng vault na pinaglalagyan ng pera.

Sa ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, C/Supt. Edgardo Aglipay ni Supt. Allan Parreño, dakong alas-10:30 ng umaga nang pasukin ng anim na kalalakihan ang banko na matatagpuan sa Timog Ave., Brgy. Laging Handa ng lungsod na ito habang ang dalawa pa ay nagsilbing look-out.

Napag-alamang hindi nadis-armahan ang mga security guards ng nasabing banko kung kaya’t isasailalim ang mga ito sa imbestigasyon sa posibilidad na may naganap na sabwatan.

Nang walang matangay na pera mula sa vault dahil hindi pa dumarating ang manager nito ay binalingan ng mga suspect ang mga personal na kagamitan at pera ng mga empleyado.

Tumagal ng tatlong minuto ang holdap at nang dumating ang mga responding team ng Central Police District ay mabilis na tumakas ang mga suspect sakay ng Toyota Hi-Ace na may plakang WKX-624. Sinabi ng nakasaksi na dinoktor ng mga suspect ang plaka ng kanilang get-away car.

Tinugis ng mga awtoridad ang get-away car ngunit natagpuan itong abandonado sa Sct. Delgado at lumipat sa pulang Isuzu Highlander ang mga ito. (Ulat ni Jhay Mejias)

ALLAN PARRE

CENTRAL POLICE DISTRICT

EDGARDO AGLIPAY

ISUZU HIGHLANDER

JHAY MEJIAS

LAGING HANDA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

QUEZON CITY

TIMOG AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with