^

Metro

Rookie cop nagwala sa inuman, nakapatay

-
Napatay ang isang 39-anyos na lalaki ng isang bagitong pulis na nagwala sa kanilang inuman kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Namatay noon din sa lugar ng pinangyarihan ang biktima na nakilalang si Joel Alten,alyas Totoy ng Dagot St.,Brgy.Manreza dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

Tumakas naman ang suspek na si PO1 Alex Aliwalas na nakatalaga sa La Loma police station at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya,naganap ang insidente dakong ala- 1:45 ng madaling araw sa isang inuman na kung saan ay kapwa nag-iinuman ang dalawa.

Sa sobra umanong kalasingan ay nagwala sa hindi malamang dahilan ang pulis na ikinairita ng biktima.

Inawat ng ilang kainuman ang pagwawala ng suspek,subalit sa halip na magpaawat ay binunot nito ang kanyang baril at binaril sa ulo ang biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ALEX ALIWALAS

BRGY

DAGOT ST.

INAWAT

JHAY MEJIAS

JOEL ALTEN

LA LOMA

MANREZA

NAMATAY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with