^

Metro

Smuggling sa Port of Manila pinabubusisi sa NBI

-
Ipinasisiyasat sa National Bureau of Investigation (NBI) ang smuggling operation sa loob ng Port of Manila kung saan daan-daang milyong pisong halaga ng buwis ang nawawala sa kaban ng bansa.

Ang imbestigasyon na ipinag-utos ni NBI Director Reynaldo Wycoco ay bunsod ng pinakahuling serye ng smuggling nang matagumpay na mailusot ang may 17,000 metriko tonelada ng steel billets na lulan ng barkong MV Ding Xiang Hai.

Base sa report, sa gitna ng positibong impormasyon na pinalabas ni Manila District Collector Reynaldo Nicolas at pagpapalabas ng hold order sa lahat ng steel billets shipment na naka-consign sa Steel Asia Manufacturing Corp., patuloy pa rin ang pagdagsa nito sa Pier sa Maynila.

Naipuslit ang kabuuang 17 truck ng steel billets na sinasabing ini-release mula sa Nawaco Cmpd. sa Tacoma St., Port Area, Manila kamakailan.

Ang multi-milyong pisong halaga ng kargamento ay nailabas sa Aduana nang walang kaukulang import documents bukod pa sa ito ay nasa ilalim na ng warrant of seizure and detention.

Ang Steel Asia Manufacturing Corp. ay matagal nang nasangkot sa tax credit scam ng Dept. of Finance at sinasabing bilyong pisong halaga ng buwis ang nalulugi sa gobyerno sa mga nakalipas nitong shipments sa bansa.

Bukod sa NBI, hinihiling din ng mga importer sa Palasyo na atasan ang iba pang law enforcement agency na magsagawa rin ng masusing pagsisiyasat hinggil sa large-scale smuggling operation sa BOC. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANG STEEL ASIA MANUFACTURING CORP

DING XIANG HAI

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

ELLEN FERNANDO

MANILA DISTRICT COLLECTOR REYNALDO NICOLAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NAWACO CMPD

PORT AREA

PORT OF MANILA

STEEL ASIA MANUFACTURING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with