Colonel inireklamo ng seduction of minor

Nasa ‘hot water’ ngayon ang isang police colonel matapos na ireklamo ng seduction of minor noong Enero 18 sa Muntinlupa City.

Base sa report, kinilala lamang ang suspect sa pangalang Supt. Coloma, nakatalaga sa Philippine National Police Region 8.

Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang Jennelyn, 16, ng Argana Compound, Camella Homes, Brgy. Putatan, nasabing lungsod.

Ayon sa reklamo ng tiyahin ng biktima na si Ester Tundag, 29, sa Muntinlupa City Police, naganap ang insidente noong Enero 18, dakong alas-11:30 ng gabi sa nasabing lugar.

Nabatid na ihahatid umano ng suspect pauwi ng bahay ang dalagita subalit hindi umano nakarating ng bahay ang biktima na naging dahilan upang mag-alala ang mga kaanak nito.

Naghinala ang mga kaanak ng biktima na may hindi magandang ginawa ang naturang opisyal sa dalagita dahil ito lamang ang kanyang kasama. Kaya’t nagtungo ang tiyahin ng dalagita sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ng seduction of minor si Coloma. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments