^

Metro

Factory worker binurdahan ng saksak, todas

-
Isang 48-anyos na factory worker ang napatay makaraang burdahan ng saksak kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Hindi na naisalba sa Novaliches Hospital ang biktimang si Rolando Abe, stay-in sa Selecta Feeds Corp. sa Selarce Farms, Susano Rd. dahil sa dami ng dugong nawala sa tinamong di mabilang na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa Criminal Investigation Division, dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng pabrika na pinapasukan ng biktima.

Naglalakad pauwi ang biktima nang makasalubong ang hindi pa kilalang suspect na armado ng patalim.

Sa hindi malamang dahilan, walang kaabug-abog na pinagsasaksak ng suspect ang biktima nang magkasalubong sila nito.

Agad ding tumakas ang suspect na patuloy ngayong tinutugis ng pulisya.

Sa teorya ng pulisya, malamang umanong paghihiganti ang motibo ng suspect sa pananaksak sa biktima subalit ang anggulong ito ay patuloy nilang iimbestigahan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CRUZ

NOVALICHES HOSPITAL

QUEZON CITY

ROLANDO ABE

SELARCE FARMS

SELECTA FEEDS CORP

SUSANO RD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with