Dalagang kolektor pumalag sa holdap, binoga
January 20, 2002 | 12:00am
Nabaril at nasawi ang isang dalagang kolektor nang palagan nito ang dalawang holdaper, kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Dead-on-arrival sa Parañaque Community Hospital ang biktimang si Melanie Santos, 38, kolektor ng Parañaque Credit Cooperative at residente ng #5337 Marso St., Brgy. San Dionisio, Parañaque sanhi ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Samantala, ang dalawang hindi pa nakikilalang holdaper ay kaagad na tumakas sakay ng kotseng walang plaka at tangay ang P10,000 koleksyon ng biktima.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Odeo Carino ng Criminal Investigation Division, Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa kahabaan ng M.H. del Pilar St., Brgy. La Huerta, lungsod na ito.
Katatapos lamang ng biktimang mangolekta buhat sa Parañaque Market. Habang naglalakad ang dalaga, bigla na lamang itong sinalakay ng mga suspect at sabay na tinutukan ng baril.
May hinala ang pulisya na pumalag ang dalaga kaya ito binaril ng mga holdaper na naging dahilan ng kamatayan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest