^

Metro

Chinese trader kinidnap

-
Isang negosyanteng Tsinoy ang dinukot ng apat na armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nabatid kay SPO1 Danilo Galang ng Station 5 ng Central Police District na pasado alas-10 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa Dhalia St. na kalapit ng FEU Hospital sa Fairview.

Sakay ng isang truck ang biktima na nakilalang si Jimmy Go, nasa hustong gulang at kasama ang driver na si Ernie Ravilla nang dukutin ito ng apat na armadong suspect na sakay ng isang berdeng Isuzu Highlander na hindi pa batid ang plaka.

Tanging ang Tsinoy lamang ang dinukot habang si Ravilla ay iniwan sa pinangyarihan ng insidente kaya’t ito rin ang nagsuplong sa pulisya ukol sa krimen.

Sinabi ni Ravilla na galing sila ng Bulacan at may pupuntahan lamang sa may Fairview nang sila ay dukutin ng kanyang amo.

Patuloy na iniimbestigahan ng QC police ang insidente habang naglunsad ng manhunt ang pulisya laban sa mga suspect. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

CENTRAL POLICE DISTRICT

DANILO GALANG

DHALIA ST.

ERNIE RAVILLA

FAIRVIEW

ISUZU HIGHLANDER

JIMMY GO

QUEZON CITY

RAVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with